RSS Ulat

I hate u october!!!

parang kelan lang.,oktuber na naman.
heto na naman tayo at nagkakalabuan na naman
wish ko lang,mawala ang oktuber sa kalendaryo.hehehe,just kidding,ako lang yata ang may kakaibang wish na ganito.hahaha!!!o kaya gagawa nalang ako ng sarili kung kalendaryo,,?para mawala ang oktuber…natatandaan ko pa,last year oktuber 2010,halos di tayo nag-uusap,this month ulit,oktuber 2011,bigla nalang tayong nagkalabuan…Pwede bang puro september nalang?Kasi tuwing september,nararamdaman ko ang kahalagahan ko sayo,masaya tayo,nag-uusap ng puso sa puso.. In short,wala tayong mga “S”(syapak,sumpong)hayy!im crazy for u!!sana,september nayn na bukas,o kaya ,september eleven na….

Advertisements

Leon ng buhay ko

pinipilit ko mang kalimutan ang kahapon
ngunit ito’y hindi ko matakasan
parang bangungot na kinatatakutan kong mangyari ulit
“0o noon?Ayaw kung mawala ka”.
Kahit na para kang leon na bigla bigla nalang umaatake sa mga taong nakapaligid sa akin.
pero hindi pala panghabangbuhay ang ganitong nobela ng buhay ko
…Ikaw ang nagturo sa akin para kasuklaman ka..
Noon?Ako lang ang buhay mo,ngunit ngayon?Iba na ang buhay mo,nandyan na yung pagseselos na hindi mawala wala sa buhay ko,”0o,nagseselos ako!
Pero ano pa nga bang magagawa ko dahil ipinagpalit mo na ako sa iba,sa taong minamahal mo ng sobra sobra sa ngayon..
Isa ka talagang leon na hindi dapat lapitan,walang pinagkaiba ang ugali nyo ng LEON….grrrrr!!!

NASAAN KA MAN???

minsan ko ng sinubukan na kalimutan sya..
Pero hindi ko kinaya ang pangungulila sa kanya
nag iwan ito ng napakalaking sugat sa puso ko

pakiramdam ko katapusan na ng mundo
walang patid ang pag agos ng mga luha ko
hindi ganun kadali para sa akin na malayo sa kanya

palaging nanariwa sa aking alaala ang mga masasayang araw namin

ngayon mag isa nalang ako

hindi ko kayang tingnan ang taong mahal ko na nasa kabaong

ang sakit,
pero hindi,kahit sa huling sandali’y niyakap ko siya ng mahigpit

ngayon
mag isa nalang ako

forbidden love

Gasgas na ang kasabihang ito pero gusto ko pa ring sabihin:
“you always hurt or hate the one you love.”

somehow,gusto kong mainis sa lalaking ito

unang kita ko palang sa facebook account nya ay napakabrusko ng dating!
Nakakapagtaka
pilit nya akong iniadd
wala naman kaming mutual friend at neverheard ang name nya.

he sent me messages in my inbox
napakamasekreto nyang tao
at masyadong seryoso
kaya dinididma ko na lamang ang mga mensahe nya
minsan nagkainteres ako para magreply sa kanya
hanggang sa nahuli nya ang loob ko
nung una kasi sinusupladahan ko sya

“hindi ako manhater,nagkataon lang na wala ako sa mood nung una.”

first time namin magmemeet sa isang coffeeshop
na-late ako ng more than 1hour.
Medyo mahaba ang pasensya nya in fairness
sinadya ko din talagang magpalate ng dating
“naghi and hello lang kami.”
then after nun
nagkausap na kami ng masinsinan habang hinihintay ang inorder naming pagkain

oh well,inamin nya that when he first saw me
eh nahulog na sya sa akin
dahil daw sa mata ko na maraming ibig sabihin at sa mga ngiti ko na mapang-akit
“natawa lang ako”
malamang binobola lang ako nito
kasi ang totoo nyan,malaki ang mata ko,parang fullmoon kung makatitig.

“pormal syang manamit
naka maöng pants
then nakapolo ng blue
bagay na bagay sa katawan nya na medyo malaman
at nakashade sya ng white frame

habang kumakain kami
kulang nalang subuan nya ako
panay panay sulyap nya sa akin
pati pagsubo ko tinitingnan

wala aköng ganang kumain
napansin nya

umorder nalang sya ulit ng dessert namin na banana split

instructor sya ng isang sikat na unibersidad dito sa subic
pero brusko ang dating nya at medyo mahilig sa inuman

“0h my!! I cant handle him.
Mukhang may tinataguan sya
maybe merun itong asawa na
ayaw nya sa mga place na bulgar

ITUTULOY…

minsan

Minsan
dumating ka sa buhay ko
nung mga oras na wala akong lakas para mabuhay pa

napaniwala mo ako
akala ko ganun ako kaimportante para sayo
pinanghawakan ko ang mga sinabi mo
akala ko totoo

ngunit nasan ka ngayon?
Mahirap makipagsabayan kapag walang pera ang bulsa mo
tingin nila peperahan mo lang sila

nanlumo ako ng matanggap ko ang tawag mo
di na tayo matuloy

dun ko lang naisip na ganun kadali para sayo ang gumawa ng disisyong ganun
samantalang ako?
Matagal ko na inasahan at pinanghawakan ang mga salitang binitawan mo

wala pala akong halaga para sayo
bigla bigla ka nalang nawawala ng di nagpapaalam
hindi pala ako importante para sayo

ako?
Lagi ko inaasam ang pagtatagpo natin
ngunit balewala lang pala sayo

salamat dahil habang maaga pa di ako nagpadala sa emosyon ko

sa ngayon di mo manlang naalala ultimo pangalan ko

apat na sulok

0o!Nandito na naman ako nagmukmok sa apat na sulok ng kwarto ko.
Habang nakatanaw sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang maliwanag na kalangitan

malungkot ang nag-iisa
sinubukan ko mag enjoy pero di parin ako lubusang sumaya

hinahanap ko pa din sya
yung mga oras na puro pag-ibig ang nagpapagalaw sa amin

naglaho na ang lahat
sa hangin ko nalang sya maiiguhit

ayaw kung maging miserable ang buhay ko
pinipilit ko na mapalapit ulit sa kanya

pero malabo pa yata na maging okey kami ulit

sinubukan kung mag entertain ng iba
pero mahirap sumuong sa isang relasyon na di mo naman mahal ang isang tao

karma?
Kinakarma na ba ako sa mga pinaggawa ko na pinaglalaruan ko lang sila?

Eh sa hindi ko pa kayang ipagpalit ang taong mahal ko na lumalayo naman sa akin

pinili kung magpakatatag
pero lagi akong bumabagsak

katulad ngayon
nag iisa na naman ako

im ready to go…

trip ko lang kung saan
saan pumunta

basta gusto ko lang maglakbay
para makalimot

kung saan ako tangayin ng hangin

kung san ako iagos ng tubig

basta dun ako sa lugar na tahimik